^

Bansa

Lifestyle check vs Euro generals

-

Inutos kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at National Police Com­mision (Napolcom) chairman Ronaldo Puno ang pagsa­sagawa ng lifestyle check sa mga delegado ng PNP at ka­nilang mga misis na dumalo sa Interpol conference sa Russia.

Inatasan na ni Puno si Napolcom Vice Chairman Eduardo Escueta upang masiyasat ang mga bank accounts ng mga heneral gayundin ang bank deposits ng mga misis nito bilang bahagi ng nasabing lifestyle check.

Binigyang diin naman ni Escueta na magagawa lamang ng Napolcom na makita ang bank accounts ng mga kinauukulan nila kung may kaukulang court order.

Aniya, bago sila makakuha ng kaukulang kautusan mula sa korte, kailangan muna aniyang masampahan ng kaso ang dapat na masampahan ng asunto.

Kabilang sa mga sumama sa Moscow trip ang misis ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa na si Cynthia. (Joy Cantos/Rose Tamayo-Tesoro)

ANIYA

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

NAPOLCOM

NAPOLCOM VICE CHAIRMAN EDUARDO ESCUETA

NATIONAL POLICE COM

RONALDO PUNO

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with