^

Bansa

Mga bumili ng tiket sa 'Abba' concert nagreklamo

-

Inumpisahan na ang pagre-refund sa ticket ng mga galit at nagrerekla­mong fans ng sikat na grupong “Abba” at nakabili ng ticket sa nakatakdang concert nito sa Nobyembre 21 sa Philippine International Convention Center at Nobyembre 22 sa World Trade Center matapos malaman na pawang mga impostor o impersonator lamang ang mga darating sa Manila at hindi ang mga orihinal na banda.

Unang inanunsyo na original na Abba ang concert nito sa bansa sa halagang P5,000 ticket subalit napag-alaman ng mga tagahanga na impostor ang mga darating na performers.

Sa ngayon ay ayaw nang magpakilala ang producer ng nasabing kon­syerto dahil sa sobrang kahihiyang inabot ng mga ito matapos na maloko ng isang agent na nagpaki­lalang si Zeny Yap Frailey na unang nakipag-ugna­yan sa kanila para sa nasabing concert.

Sinasabi ng mga hindi nagpapakilalang poducers ng Abba concert na may original Abba member na darating sa Manila na si Ufe Anderson. Gayunman, lumalabas na si Anderson ay isang instrumentalist lamang at walang kaug­nayan o relasyon sa original ABBA member na si Benny Anderson.

Bukod kay Benny Anderson ay kasama nito ang tatlong original Abba band members na sina Agnetha Faltskog, Bjorn Alvaeus at Annifrid Lyngs­tad.

May 800 nagpapaki­lalang second generation Abba ang ngayon ay umiikot sa buong mundo upang gumawa ng tribute at raket gamit ang Abba.

Sa lahat ng nakabili ng ticket at nagnanais na magrefund ay maaaring tumawag sa Ticketnet 9138684, 9138877.

Gayunman, sinabi ng di nagpapakilalang producer na itutuloy pa rin ang concert. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ABBA

AGNETHA FALTSKOG

ANNIFRID LYNGS

BENNY ANDERSON

BJORN ALVAEUS

ELLEN FERNANDO

GAYUNMAN

NOBYEMBRE

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with