^

Bansa

Ibalik sa P32/litro ang diesel o welga?

-

Nagbabala kahapon ang mga militanteng tsu­per at ilan pang transport groups na magsasagawa sila ng malawakang kilos-protesta kapag nabigo ang mga kompanya ng langis na muling ibalik sa P32 ang kada-litro ng diesel, gayundin kung patu­loy na isasantabi ng pa­ma­halaan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at 12% E-VAt sa langis.

Ayon kay George San Mateo, Secretary General ng Pinagkaisang Sama­han ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), hindi sila magpa­pahinga sa panganga­lampag at pagsasagawa ng kilos-protesta ngayong mga nalalabing buwan ng Nobyembre at Disyem­bre.

“Kung kinakailangang sumugod uli ang mas maraming bilang ng drivers sa mga punong him­pilan ng Shell, Chevron at Petron sa Makati ay aming pag-uusapan at paghahandaan ito nang sa gayun ay mas madinig ng Big Three ang aming kahilingan,” ayon kay San Mateo.

Samantala, labis na­man ang pagka-dismaya kahapon ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan makaraang hindi isinama ng mga kompanya ng langis sa kanilang ikinasang rollback ang pagtapyas sa presyo ng diesel.

Sinisi naman ni San Mateo ang mga dambu­halang oil companies at gobyerno sa hindi pag­kakaroon ng rollback sa diesel ngayong weekend.

Ani San Mateo, ang muling pagpataw aniya ng pamahalaan ng 3% oil tariff noong Nobyembre 1 ang siyang ginamit na namang dahilan ng mga dambuhalang oil firms upang hindi magpatupad ng rollback sa diesel ngayong weekend. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANI SAN MATEO

BIG THREE

GEORGE SAN MATEO

NOBYEMBRE

OIL DEREGULATION LAW

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMA

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with