^

Bansa

Euro generals abswelto na sa Russia

-

Inabswelto na ng pa­mahalaan ng Russia ang kontrobersyal na si dating PNP Comptrollership ret. Eliseo de la Paz at iba pang miyembro ng 8-man delegation kaugnay ng Euro scandal. 

Kinumpirma kahapon ni PNP Senior legal officer Supt. Benjamin delos Santos na nagpadala na ng email ang Russian lawyer na si Atty. Alex Binetskiy kay Atty. Noel Malaya, abogado ni dela Paz, na tapos na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Russia at walang kaukulang ka­song kriminal na isinampa laban kay dela Paz at iba pang mga delegado.

“The investigation is over and no criminal charges presented to anyone of the group,” laman ng email.

Nakalagay din sa email na ibabalik na ng Russia ang nakumpis­kang 105,000 Euros o katumbas na P6.93 M sa lalong madaling panahon. 

Dahil dito, wala na ring dahilan upang bumalik pa sa Russia sina Gng. Cynthia Verzosa at retired Gen. Jaime Caringal.

Lumiham ang Russian government sa Department of Foreign Affairs upang hilingin na paba­likin sa kanilang bansa sina Verzosa at Caringal upang sagutin ang ilang mga katanungan kaug­nay ng kontrobersyal na Euro. 

Kaugnay nito, nagpa­hayag naman si dela Paz ng kanyang pasasalamat hinggil sa pagkaka-ayos ng pinasukan nitong gusot kung saan nalagay sa kahihiyan ang buong PNP. (Joy Cantos/Butch Queja­da/Ellen Fernando) 

ALEX BINETSKIY

BUTCH QUEJA

CYNTHIA VERZOSA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

JAIME CARINGAL

JOY CANTOS

NOEL MALAYA

PAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with