Obama, unang US Black President
Tinanggap na ng Republican na si John McCain ang kanyang pagkatalo sa Democract na si Barack Obama sa katatapos na halalang pampanguluhan sa United States.
Sinabi ni McCain sa isang pahayag na malaking bagay ang natamo ng De mocrat sa makasaysayang pagkapanalo ni Obama. Kaagad naman niyang binati ang bagong pangulo ng Amerika.
Kasama ni McCain ang kabiyak niyang si Cindy at running mate na si Sarah Palin nang hinikayat niya ang kanyang mga tagasuporta na isantabi na ang anumang hidwaan at sama-sama nang magtulungan sa pagsusulong ng bansa tungo sa hinaharap.
Sa kanyang pagkapa nalo sa halalan kahapon, si Obama, 47, ang magiging unang black president ng Amerika sa kasaysayan nito.
Hindi magkamayaw sa katuwaan ang mga tao sa Grand Park sa bahay ni Obama sa Chicago nang makarating sa kanila ang balita hinggil sa kanyang pagkapanalo.
Isang black citizen mula sa Kenya ang ama ni Obama habang ang kanyang ina ay isang puti mula sa Kansas. Isang democratic senator si Obama nang sumabak sa halalang pampanguluhan.
Takdang manumpa sa kanilang tungkulin sa Enero 20, 2009 sina Obama at ang kanyang vice president-elect Sen. Joseph Biden.
Bilang ika-44 presidente ng Amerika, tutuntong si Obama sa Oval Office bilang lider ng isang bansang dumaranas ng recession at sumasabak sa giyera sa Iraq at Afghanistan.
Inihayag ni Obama na uunahin niyang ayusin ang ekonomiya ng US at paaalisin niya ang maraming sundalong Kano mula sa Iraq sa loob ng 16 na buwan. (AP)
- Latest
- Trending