Oil firms susuyuin sa fare rollback

Nakatakdang ipata­wag ng Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) ang mga kinatawan ng mga kum­panya ng langis upang ma­kadalo sa ikala­wang pag­dinig sa petis­yon sa “fare rollback” sa Martes na isi­nampa ng National Commuters Association of the Philippines.

Sinabi ni LTFRB chairman Thompson Lantion na kanilang pinadalhan na ng imbitasyon ang mga kum­panya ng langis upang hingan ng reak­syon kung maka­kaya pang ibaba ang presyo ng diesel ng P40 hanggang P37 kada litro na siyang basehan ng mga transport groups para magpa­tupad ng rollback sa pasahe.

Matatandaan na apru­bado na ng LTFRB ang P.50 sentimos na probationary fare rollback ngu­nit hiling ng mga commuters ang mas mataas na P1.50 sa pasahe sa jeep­ney at P2 sa pasahe sa mga bus.

Hindi naman umano umaangal ang mga transport groups ngunit iginigiit ng mga ito na maibaba muna ng husto ang pres­yo ng diesel base sa kom­putasyon sa ibinaba ng presyo ng krudo sa inter­nasyunal na merkado bago magpatupad ng bawas pasahe. (Danilo Garcia)

Show comments