^

Bansa

Pangulo lumibot sa sementeryo

-

Tulad ng ibang milyon-milyong mga Filipino, nagtungo rin kahapon si Pangulong Gloria Arroyo sa sementeryo kung saan binisita niya ang mga namayapang kamag-anak.

Kasama ang matataas na opsiyal ng Armed Forces of the Philippines, unang nagtungo ang Pangulo sa Libingan ng mga Bayani kahapon ng umaga kung saan nagbigay pugay ang mga ito sa mga namatay na sundalo na itinuturing na mga bayani ng bansa,

May 30 minuto ring namalagi ang Pangulo sa Libingan ng mga Bayani na hinihimlayan ng kanyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal at inang si Eva.

Kasunod na pinuntahan ng Pangulo ang Loyola Memorial Park sa Marikina City na kinalilibingan ng kanyang biyenan na si Jose Ignacio, ama ni First Gentleman Mike Arroyo.

Bago magtanghali, binisita naman ng Pangulo ang North Cemetery sa Maynila kung saan nakalibing ang mga namatay na ibang kamag-anak ng Unang Ginoo.

Kasama ng Pangulo sa pagbisita ang asawang si Mike Arroyo at nag-iisang anak na babae na si Evangeline Lourdes Arroyo. (Malou Escudero)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAYANI

EVANGELINE LOURDES ARROYO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOSE IGNACIO

KASAMA

LIBINGAN

LOYOLA MEMORIAL PARK

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with