^

Bansa

Jocjoc umaarte?

- Nina Malou Escudero, Butch Quejada, Ellen Fernando at Angie Dela Cruz -

Inakusahan kahapon ni Senator Jinggoy Es­trada si dating Agriculture under­secretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante na uma­arte la­mang kaya nagpa-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Que­zon City.

Ayon kay Estrada, halatang “script” lamang ng Malacañang ang pag­papa-ospital ni Bolante para magmukhang ka­awa-awa at hindi na ma­imbestigahan ng Senado.

Isang daan at isang (101%) porsiyento uma­nong sigurado si Estrada na arte lamang ang ipi­nakita ni Bolante na pa­nanakip ng dibdib at pang­hihina nang duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamaka­lawa ng gabi upang hindi makulong sa basement ng Senado kung saan naka­handa na ang paglalagyan sa kanya.

Napag-alaman na si Dr. Romeo Saavedra ang doctor ni Bolante na siya ring cardiologist ni First Gentleman Mike Arroyo at ka-Rotarian ni Bolante.

Dinala si Bolante sa ospital mula sa airport base na rin sa kahilingan ng kanyang abogado na si Antonio Zulueta dahil uma­no sa pananakit ng dibdib.

Gayunman, imbes na dalhin sa emergency room dinala ito sa isang suite (Rm. 2016) sa St. Luke’s kung saan siya nakaratay ngayon.

Naniniwala naman si Dr. Mariano Blancia Jr., head physician ng Se­nado, na hindi naman “life threatening” ang nangyari kay Bolante kaya dapat ay sa Senado ito idini­re­tso at hindi sa St. Luke’s.

Upang masigurado na hindi lamang nagdada­hilan, nagpadala na kaha­pon ng medical team ang Senado sa St. Luke’s upang tingnan ang kala­gayan ni Bolante.

Ayon kay Senate Pre­sident Manuel Villar, de­pende sa kalagayan ni Bolante ang magiging schedule ng Senado sa imbestigasyon sa P728 milyong fertilizer scam.

Kaugnay nito, iginiit ni Estrada na bantayan si Bolante ng Office of the Senate Sergeant-at-arms (OSSA) sa loob ng 24 oras para hindi maitakas ng anumang grupo.

Naniniwala rin si Es­trada na dapat idiretso ka­agad si Bolante sa Se­nado sa sandaling maka­labas ng ospital upang muling mabuksan ang imbestigas­yon sa P728 milyon fertilizer fund scam.

Si Bolante ang itinutu­rong arkitekto ng nasa­bing scam kung saan sa halip na ipamudmod sa mga magsasaka ang pon­do ay napunta umano sa campaign fund ni Pa­ngulong Gloria Arroyo noong 2004.

Nangako naman ang tanggapan ng Ombudsman na kanilang tatapu­sin sa loob ng tatlong bu­wan ang pagbusisi sa kasong kinasasangkutan ni Bo­lante.

Bolante hinamon ng star witness

Hinamon kahapon ng star witness sa fertilizer fund scam na si Jose “Boy” Barredo si Bo­lante na umamin na at kumanta kung sino ang nag-utos sa kanya sa pamumudmod ng milyon-milyong pisong fertilizer fund.

Ayon kay Barredo, panahon na upang sama­han siya ni Bolante sa paglalahad ng katotoha­nan sa fertilizer fund upang magkaroon ng ka­tarungan ang mga mag­sasaka.

Si Barredo ay nagta­tago ngayon kasama ang kaniyang pamilya sa isang hideout sa pangam­bang itutumba siya nang mga taong gustong mag­pata­himik sa kanya.

ANTONIO ZULUETA

AYON

BARREDO

BOLANTE

DR. MARIANO BLANCIA JR.

DR. ROMEO SAAVEDRA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

SENADO

SHY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with