^

Bansa

Shabu pangmayaman lang

-

Idineklara kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi na “poor man’s cocaine” ang shabu ngayon ngunit pang­ mayaman na dahil sa kamahalan nito at kakapu­san sa suplay sa Pilipinas.

Sinabi ni PDEA Director General Dionisio San­tiago Jr. na ito ang resulta ng pinaigting nilang kam­panya katuwang ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Bureau of Customs para mawalis ang shabu sa mga kalsada sa pamamagitan ng operas­yon sa mga malalaking la­boratoryo ng iligal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kasalukuyan uma­nong nagkakahalaga na ang isang gramo ng shabu ng P10,000 hanggang P15,000 na mas mahal pa ngayon kumpara sa ginto. Mas mataas ang naturang presyo ng lima hang­gang walong ulit sa halaga nito noong nakaraang taon na nasa P2,000 lang kada gramo.

Mas mahal rin ang shabu ngayon sa cocaine na nagkakahalaga lamang ng P5,000 kada gramo. Dahil dito, napipilitan ang mga pusher na i-repack ang shabu ng patingi-tingi tulad ng .05 gramo upang makabili ang mga mahi­hirap.

Nag-umpisa umano ang pagtaas ng presyo nito sa kalagitnaan ng taong 2007 sa pagpapa­igting ng operasyon ng PDEA. (Danilo Garcia)

BUREAU OF CUSTOMS

DAHIL

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

IDINEKLARA

KASALUKUYAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with