^

Bansa

Money changer na pinagpalitan ng Euro ni dela Paz kakasuhan

-

Namemeligrong ma­sampahan ng kaso ang money changer na pinag­palitan ng milyones na Euro na binitbit sa Russia ni ret. PNP Comptroller Eliseo dela Paz.

Ito’y matapos na iha­yag ng Bangko Sentral’s Anti-Money Laundering Council (AMLC) na bigo ang F$N Money Changer na i-report sa kanila ang kahina-hinalang pagpa­palit ng Euro sa kanilang shop.

Una nang inamin ni Gal Wadja, manager ng na­turang money changer na matatagpuan sa Padre Faura, Ermita na isang hindi nakikilalang lalaki ang nagpapalit sa kani­lang shop ng Euros kada linggo at huli na nang malaman ng mga ito na ang natu­rang tao ay isa sa mga tauhan ni dela Paz.

Sa panig ng AMLC, batay sa Circular 471 Section 9 ng BSP, obli­gasyon ng mga money changer ang iulat sa kanila ang anumang foreign exchange transaction na lalampas sa P500,000.

Sa kaso umano ni dela Paz na nakapag­papalit ng 105,000 Euros ay mas kahina-hinala lalo pa at Euro sa halip na dollars ang binili nito. (Joy Cantos)

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

BANGKO SENTRAL

COMPTROLLER ELISEO

ERMITA

GAL WADJA

JOY CANTOS

N MONEY CHANGER

PADRE FAURA

PAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with