^

Bansa

BBC nag-sorry sa Pinas

-

Humingi na rin ng paumanhin ang British Broadcasting Company (BBC) sa umano’y “pambabastos” sa mga Pinay domestic helper sa isang episode ng UK comedy series na “Harry and Paul.”

Sinabi kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa embahada ng Pilipinas sa United Kingdom (UK) na isang liham mula sa BBC na may petsang Oktubre 19 ang natanggap ng mga ito mula kay BBC Director General Mark Thompson.

Gayunman, Oktubre 20 na umano nang matanggap ng embahada ang naturang liham.

“…Please accept my sincere apologies, on behalf of the BBC, for the offence that this programme caused you,” nakasaad pa umano sa liham ni Thompson.

Lumikha ng kontrobersya at pagkondena mula sa iba’t ibang grupo, partikular sa Filipino community sa UK ang September 26 episode ng “Harry and Paul” kung saan ipinapakita ang komedyanteng si Harry Enfield na nag-uutos sa isang Pinay maid na makipagtalik sa kanyang kaibigan na si Paul Whitehouse.

Nauna ng humingi ng paumanhin ang Tiger Aspect Productions na nag-produce ng show. (Mer Layson)

BRITISH BROADCASTING COMPANY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DIRECTOR GENERAL MARK THOMPSON

HARRY AND PAUL

HARRY ENFIELD

MER LAYSON

OKTUBRE

PAUL WHITEHOUSE

PINAY

TIGER ASPECT PRODUCTIONS

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with