Dalawa pang produktong biskwit mula China ang nag-positibo sa melamine matapos ang masinsinang pag susuring isinagawa ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa mga milk at dairy products na pinaghihinalaang kontamindo ng nasabing nakakalasong kemikal.
Kahapon ay kinumpirma ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) na nag-positibo sa melamine contamination ang Lotte B&W Koala Biscuits at Lotte Chocolate Snack Koala Biscuits.
Bunga nito umaabot na sa anim na milk at dairy products ang opisyal na idineklara ng BFAD na may melamine.
Una ng nagpositibo sa melamine ang JollyCow Slender High Calcium Low Fat Milk, Greenfood Yili Fresh Milk, Mengniu Drink at Lotte Strawberry Snack Koala Biscuit. (Rose Tesoro/Doris Franche)