^

Bansa

'Dala kong pera legal'

- Nina Joy Cantos, Ellen Fernando At Butch Quejada -

Nakabalik na kahapon sa bansa ang kontro­ber­siyal na si ret. PNP Comptroller Eliseo dela Paz kung saan humingi ito ng tawad sa kahihi­yang idinulot niya sa ating bansa at Philippine National Police dahil sa nadiskubreng P6.9 mil­yon sa kanyang bagahe. 

“I apologize deeply to our people and to our government for the untoward incident at the Moscow International Airport that last week touched off an inter­ natio­nal embarrassment  for our country,” buong pagpapakum­babang paghingi ng sorry ni dela Paz sa kauna-unahang pagharap nito sa media ilang oras mata­pos itong dumating sa NAIA.

Bagaman iginiit na wala siyang ginawang ano­malya, humingi rin ng pa­uman­hin si dela Paz sa mga kapwa nito de­legado sa 77th International Police (Interpol) conference na dumalo sa St. Pe­tersburg, Russia noong Ok­tubre 6-10 bu­nga ng insidente.

“ I am ready and willing to face any investigation as I have nothing to hide, the money was acquired legally for a legitimate purpose,“ ani dela Paz kaugnay ng ipinata­tawag na imbestigasyon ng Senado at Ombudsman sa mga binansagang Euro generals.

Paliwanag ni dela Paz, pinahintulutan siya para sa pagpapalabas ng P10-M cash advance bonded authority pero P6.93M lamang ang kani­lang dala na nai-convert na sa 105,000 Euros para sa standby revolving fund sa nasabing opisyal na biyahe.

Inamin din niya na bu­kod sa P6.9 milyon na naharang sa kanya ay may dala pa itong P2.3 milyon na nauna nang inaprubahan ng Napol­com.

Pero kahit malaki ang dala nilang pera ay hindi umano sila gumastos sa mga bagay na hindi kinakailangan.

Tiniyak ni dela Paz na sa lalong madaling pana­hon ay isusumite niya ang liquidation report ng ka­buuang ginastos nila sa Russia at ibabalik ang natitirang pondo.

Handa rin anya siyang ipakita ang lahat ng do­kumento sa imbestigas­yon na naghihintay sa kanya tungkol sa pagda­dala niya ng “cash advance.”

BAGAMAN

COMPTROLLER ELISEO

DELA

HANDA

INTERNATIONAL POLICE

MOSCOW INTERNATIONAL AIRPORT

PAZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

ST. PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with