^

Bansa

Mga kaso sa Sandiganbayan natutulog lang - Ombudsman

-

Aminado si deputy Ombudsman Mark Jalan­doni na hindi bababa sa 1,000 kaso ang natutulog ngayon sa Sandigan­bayan

Ito ang sinabi ni Ja­landoni makaraang ma­bigong masilbihan ng warrant of arrest ang mga respondent o mga ina­akusahan ng ibat ibang kaso ng katiwalian na naisampa ng kanilang tanggapan sa Sandigan­bayan

Sinabi ni Jalandoni na ang naturang bilang ay kanilang nadiskubre ma­tapos magsagawa ng imbentaryo sa mga na­isampa nilang kaso at kanilang nadiskubre na itoy simula pa pala noong taong 1990.

Ipinaliwanag ng na­turang opisyal na taliwas sa mga procedure sa mga regular courts, hindi ma­aaring dinggin ang kaso ng isang respondent na may kinakaha­rap na kaso sa Sandi­ganbayan kung hindi pa ito naaaresto.

Sa Sandiganbayan maaari ang trial by absentia.

Ayaw namang kumpir­mahin ni Jalandoni kung sinasadya umanong hindi aksiyonan ng Office of the Sheriff ng Sandiganbayan ang pagbibigay ng warrant of arrest sa mga res­pondent.

Sinabi pa nito na dahil naisampa na ang natu­rang kaso sa Sandigan­bayan nangangahulugan anya na masasabing mga “big fish” sa gobyerno ang mga nasangkot na opis­yal na may kapit sa “taas” kaya hindi maisulong ang kaso laban sa mga ito. (Angie dela Cruz)

AMINADO

JALANDONI

KASO

OFFICE OF THE SHERIFF

OMBUDSMAN MARK JALAN

SA SANDIGANBAYAN

SANDIGAN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with