^

Bansa

Neuro test sa kukuha ng driver's license!

- Ni Angie dela Cruz -

Plano ng Land Trans­portation Office (LTO) na isama bilang requirement sa pagkuha ng driver’s license ang neuro test para sa lahat ng aplikante ng lisensiya para sa student, non-professional at professional drivers license.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni LTO Chief Alberto Suan­sing, mas mainam na ma­isama ang neuro test sa pagkuha ng li­sen­siya dahil ang “behavior problem” ang nakikita niyang dahilan kung bakit tuma­taas ang bilang ng mga aksidente sa lansangan.

Ayon kay Suansing, ang tumataas na bilang ng mga aksidente na ki­na­sasangkutan ng mga sa­sakyan ang isa sa kan­yang naging ba­se­han upang maisama ang neu­ro test sa pagkuha ng lisensiya ng mga driver.

“Ang mga sasakyan ay katulad ng baril, kung hindi magiging maingat ang driver, maaring ma­ka­matay yan,” pahayag ni Suansing.

Sinabi ni Suansing na kahit na road worthy ang isang sasakyan pero kung may hangin sa “utak” ang driver po­sible pa rin ang aksi­dente dito.

“Yung iba kasing driver, sobrang bait pag kukuha ng lisensiya pero pag nasa kalsada na at inapakan ang se­len­ya­dor laluna kung ma­ ingay… naghaha­ngin na ..may behavioral problem na,” dagdag ni Suan­sing.

Gayunman, sinabi ni­tong hindi pa naman ito ipatutupad dahil pinag-aaralan pa ito ng ahen­siya kung hihingin sa Kongreso na maam­yen­da­han ang RA 4136 o Land Transportation Law o gagawin na la­mang itong administrative order na lamang.

Ang requirement sa pagkuha ng student drivers license ay ang birth certificate at isang valid ID, drug test at medical naman ang requirement sa pagkuha ng non-professional at professional drivers license bukod sa drive test at exam.

AYON

CHIEF ALBERTO SUAN

GAYUNMAN

KONGRESO

LAND TRANS

LAND TRANSPORTATION LAW

PLANO

SHY

SINABI

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with