^

Bansa

21 Pinoy seamen hostage sa Somalia

-

Hindi pa man napapa­laya ang lahat ng mga Pinoy seamen na hawak ng mga pirata sa Gulf of Aden, 21 pang tripulanteng Pinoy ang nabihag na naman ng mga ito kama­kalawa matapos na i-hijack ang isang Japan-operated bulk carrier sa Somalia.

Dahil sa panibagong hijacking incident, uma­abot na sa 66 ang kabu­uang bilang ng Pinoy seamen na hostage ngayon ng mga pirata.

Ayon kay DFA Under­secretary Esteban Cone­jos, lulan ang mga Pinoy ng MV African Santerling nang masabat ng mga pirata.

Naglalayag umano ang barko mula sa Middle East patungo sa Asia nang masabat ng mga pirata.

Ang barko ay nabatid na Panamanian-flagged ngunit ito’y inu-operate sa Pilipinas.

Inatasan na rin umano ng DFA ang mga emba­hada ng Pilipinas sa Seoul, Tokyo at Nairobi upang makipag-ugnayan sa may-ari at operator ng barko, gayundin sa international maritime authorities para matiyak ang agad at ligtas na pagpapalaya sa mga binihag na Pinoy seamen.

Kamakailan lamang ay umaabot sa 37 Pinoy seamen na sakay ng tatlong magkakaibang barko ang pinalaya at inaasahang makakauwi na sa Pilipinas matapos na umano’y mabayaran ang ransom na hinihingi ng mga pirata.

Nananatili naman sa kustodiya ng mga pirata ang mga barkong MT Stolt Valor, isang Hong Kong chemical tanker na may lulang 2 Pinoy at 31 iba pang dayuhan, na binihag noong Setyembre 15; ang MV Centauri, isang Greek-owned tanker na may 26 all-Filipino crew members, na na-hijack noong Set­yembre 17; at ang MV Capt Stephanos, isang Greek-owned ship, na may sakay na 17 Filipino seafarer at binihag noong Set­yembre 21. (Mer Layson)

AFRICAN SANTERLING

CAPT STEPHANOS

ESTEBAN CONE

GULF OF ADEN

HONG KONG

MER LAYSON

PILIPINAS

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with