^

Bansa

Pinay ipa-firing squad sa Taiwan

- Ni Mer Layson -

Isang overseas Filipino worker (OFW) na naman ang nahatulang mabitay sa pamamagitan ng firing squad dahil sa kasong pagpatay at pagnanakaw sa isang teaching broker sa bansang Taiwan noong nakaraang taon.

Batay sa ulat na naka­rating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa gru­pong Migrante International, ang Pinay worker ay nakilalang si Nemencia Armia, 38.

Si Armia ay inakusa­hang nagnakaw at puma­tay sa Taiwanese na si Chiu Mei-yun, isang teaching broker, noong Setyem­bre 12, 2007 sa Kaoshiung City, sa Taiwan matapos na tumanggi umanong mag­bayad ng utang.

Dahil dito, sinasabing 16 ulit umanong pinagsa­saksak ng Pinay ang bik­tima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Sinasabing tinangay pa umano ng Pinay ang dalawang cellphone ng biktima, bank card, credit cards at $745 cash. Pinu­wersa pa umano nito ang nag-aagaw-buhay na bik­tima na ibunyag ang code number ng kanyang bank card, sa halip na paking­gan ang pakiusap nito na tulungan siya.

Batay sa ulat, una uma­nong itinago ng suspek ang bangkay ng biktima sa bahay nito ngunit mala­unan ay itinapon sa isang iskinita sa downtown ma­tapos na isilid sa isang itim na plastic bag.

Nagamit pa umano ng Pinay ang ATM card ng biktima at nakapag-withdraw ng $2,052, ngunit isinauli umano nito ang $247 sa pulisya nang ma­aresto ito.

Isinasangkot pa sa krimen ang nobyo ng suspek na si David Michael Fillion, 48, isang US citizen, ngunit malaunan ay pinalaya din dahil sa ka­walan ng sapat na ebiden­ sya laban sa kanya.

Ayon sa Migrante, isang alyansa ng mga samahan ng mga OFWs, mariin namang itinatanggi ng Pinay ang krimen.

Iginigiit din umano ni Armia na na-frame-up lamang siya at dalawang Taiwanese din ang may kagagawan sa krimen.

Nanawagan rin naman ang Migrante sa pama­halaang Arroyo na kaagad na umaksyon sa insidente upang mailigtas sa kama­tayan si Armia, at hindi ito matulad sa nabitay na Pinoy worker na si Jenifer Bidoya, alyas Venancio Ladion, sa Saudi Arabia.

Samantala, ayon na­man sa DFA, wala pa itong natatanggap na opisyal na ulat mula sa embahada ng Pilipinas sa Taiwan hinggil sa naturang hatol kay Armia na firing squad.

Kaugnay nito, nabatid na nakatakda namang pormal na umapela ang Migrante at ang pamilya ni Armia sa mga kinauukulan sa isang pulong balitaan na nakatakdang isagawa ngayong araw. 

Si Bidoya ay matatan­daang binitay sa Saudi noong Martes dahil sa salang pagpatay sa isang Saudi national sa Mecca noong 2005.

ARMIA

BATAY

CHIU MEI

DAVID MICHAEL FILLION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG

JENIFER BIDOYA

KAOSHIUNG CITY

PINAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with