^

Bansa

RP gawing retirement destination ng OFWs - GMA

-

Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Philippine Retirement Authority (PRA) at Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-iba­yuhin ang programa upang mahikayat ang mga Filipino expatriates na gugulin ang kanilang retirement days sa Pilipinas.

“There is no place like home, particularly for our kababayans who have worked and spent the best years of their life in a foreign land. I want the PRA to spread the good news that there are ideal retirement communities and other incentives for a rich, fulfilling life awaiting them in the Philippines after retirement,” sabi ni Pangu­long Arroyo. 

Nagsagawa ng tour sa mga Filipino communities sa Canada si PRA chairman Edgar Aglipay upang ipabatid sa mga Pinoy ang mga magagandang retirement destination sa Pilipi­nas gayundin ang mga incentives na ibibigay ng gobyerno sa kanila.

Nagsagawa ng information session ang PRA na ginanap sa Tahanang Rizal, official residence ng Philippine Ambassador sa Canada, kung saan ay dinaluhan ito ng mga Filipino communities mula sa Ottawa, Montreal at Kings­ton upang ipaalam sa kanila ang nakahandang retirement destinations para sa kanila.

Sa nasabing briefing, hinikayat ni Philippine Ambassador to Canada Jose Brillantes ang mga Pinoy at Canadians na piliing manirahan sa Pilipinas sa kanilang retirement dahil sa magagandang package na naghihintay sa kanila. (Rudy Andal)

CANADA JOSE BRILLANTES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDGAR AGLIPAY

NAGSAGAWA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE AMBASSADOR

PHILIPPINE RETIREMENT AUTHORITY

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with