Ibon mula Czech at Denmark okay na

Pinahintulutan na kahapon ng Department of Agriculture ang importasyon o pagpasok sa bansa ng mga ibon at iba pang poultry products mula Czech Republic, Denmark at Arkansas.

Ayon kay DA Secretary Arthur Yap, ginawa nila ang hakbang matapos mapatunayang negatibo sa avian flu ang naturang mga ibon.

Naunang ipinagbawal ng DA ang pagpasok ng naturang mga ibon dahil sa bird flu virus. (Angie dela Cruz)

Show comments