^

Bansa

Teehankee ayaw tanggapin ng pamilya

-

Sa kabila ng executive clemency na ipinagkaloob ni Pangulong Arroyo kay convicted murderer Claudio Teehankee, Jr., hindi pa rin umano lubos ang kaligayahan ng huli matapos ibunyag ni National Bureau of Corrections (NBP) chaplain Msgr. Bobby Olaguer   na hindi ito tanggap ng pamilya Teehankee.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Olaguer na ang tunay na isyu dito ay ang hindi pagtanggap ng pamilya Teehankee sa kanya matapos ang 17 taong pagkakakulong.

Bagama’t laya na si Teehankee, wala naman umano itong mauuwian dahil ibinenta na nito ang kanyang bahay at wala man lamang sa mga kapatid nito ang nag-alok na tumira ito (Teehankee) sa kanila. Sa halip umano ay binigyan na lamang ng pera si Teehankee at pi­nayuhang bumili ng sari­ling bahay.

Nagtataka din si Ola­guer kung bakit iginigiit ng pamilya Teehankee ang exe­cutive clemency sa­mantalang hindi naman pala nila ito tatanggapin pagkalaya. (Doris Franche)

BAGAMA

BOBBY OLAGUER

CLAUDIO TEEHANKEE

DORIS FRANCHE

MSGR

NAGTATAKA

NATIONAL BUREAU OF CORRECTIONS

PANGULONG ARROYO

RADIO VERITAS

TEEHANKEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with