^

Bansa

Pinatay na buntis nagmulto!

- Joy Cantos -

Sinakmal ng matin­ding sindak ang burol ng isang pinaslang na buntis na misis makaraang su­mapi umano ang kalulu­wa nito sa kanyang 17-anyos na pinsang lalaki at ituro ang kanyang sari­ling Mister na siya uma­nong puma­tay sa kanya sa Bauang, La Union.

Batay sa ulat na naka­rating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa gitna ng lama­yan sa bahay ng biktima sa Barangay Pottot da­kong alas-8 ng gabi.

Kasalukuyang pinag­la­­la­mayan ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak ang nasawing gi­nang na si Jenalyn Gar­cia, 23-an­yos nang big­lang sani­ban umano nito ang binatang pinsan na hindi na pina­nga­lanan.

Sa gitna ng pagsapi ay isinalaysay ng “kalu­luwa” kung paano umano siya pinahirapan ng kan­yang mister na nakilalang si Rolando Garcia.

Ayon sa “kaluluwa” ng biktima, minartilyo ng kan­­yang mister ang kan­yang kamay at tinadya­kan pa nito ang kanyang ipinag­bubuntis hanggang sa tuluyan siyang mapa­tay na nangyari mismo sa kani­lang tahanan kama­kailan.

Humingi rin ng tulong sa mga awtoridad ang “kaluluwa” na bigyan ng katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.

Ayon naman kay Ba­rangay Capt. Quirino Ba­lagot, una nang humingi ng tulong sa kanya ang suspect na dalhin sa pa­ga­mu­tan ang kanyang asa­wa dahil uminom uma­no ng lason ang huli.

Gayunman, nabuo ang pagdududa ng tiyahin ng biktima na si Merly Rimas dahil sa kaka­ibang ikiniki­los ng suspect na tutol na magkaanak sila kaagad ni Jenalyn kung saan ng masawi ito ay kaagad na isinailalim sa awtopsya.

Sa naturang awtop­sya, lumilitaw na karu­ mal-du­mal ang pagka­matay ng biktima dahil nabali ang leeg at ka­may nito, nagka­roon ng contusion sa ulo at inilubog sa tubig dahilan upang magka­roon ito ng tubig sa baga.

Bitbit ang resulta ng aw­topsya ay dadamputin na sana ng mga awtori­dad ang suspect subalit tuma­kas ito tangay uma­no ang abuloy na nagka­kahalaga ng P5,000.

Naglunsad na ng ma­la­wakang manhunt operations ang mga awtoridad laban sa naturang Mister.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POTTOT

BATAY

CAMP CRAME

JENALYN GAR

LA UNION

MERLY RIMAS

QUIRINO BA

ROLANDO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with