“I’ll give you my word, I’m burned out of intrigues!”
Ito ang tanging nasabi sa media ni Mega Star Sharon Cuneta sa balitang hiwalay na sila ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan nang dumating kagabi sa NAIA.
“You know what, whoever started intriga should end it. So I can read the ending. As you can see, I don’t have the two little girls with me so mali-mali ang intriga” sabi ni Sharon sa ambush interview sa kanya ng NAIA reporters.
Dakong alas-6 kagabi nang dumating si Sharon kasama ang kanyang anak na si KC, Ciara Sotto, Fanny Serrano at tatlo pang malalapit na kaanak at kaibigan sakay ng Cathay Pacific flight CX-903 mula Hong Kong.
Upang patunayan naman na maganda ang kanilang pagsasama, mismong si Kiko kasama ang kanilang anak na babae ang sumalubong kay Sharon. At para makaiwas sa media ay ginamit ng mga ito ang tarmac o ramp upang makalabas sa airport pasakay mula sa naghihintay nilang sasakyan.
Una na ring pinabulaanan ni Kiko ang balitang hiwalay na sila ni Sharon. (Ellen Fernando)