^

Bansa

Kiko at Sharon hiwalay na?

-

Bagaman at malakas ang ugong ng balita na hiwalay na sina Senate Majority Floor Leader Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Mega Star Sharon Cuneta, itinanggi naman ito kahapon ng senador.

“Hindi totoo iyon,” maikling sagot ni Sen. Pangilinan na halatang umiiwas sa Senate media.

“Senate matters” lamang umano ang sasagutin ni Pangilinan, at hindi ang tungkol sa personal na buhay.

Pinagpiyestahan kahapon ng mga radio stations at tabloids ang lumabas na ulat na hiniwalayan na si Pangilinan ni Cuneta at lumipad patungong Hong Kong ang huli kaya hindi umano nakadalo sa isang okasyon ng mga senador sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi.

Kahit lumabas ang ulat bilang ‘blind item’ halatang ang pinatutungkulan nito ay ang mag-asawang Kiko at Sharon.

Matagal na umanong may pagkakagalit ang ‘celebrity couple’ dahil naanakan umano ng senador ang magandang staff nito na naging dahilan kung bakit sinibak sa puwesto.

Umugong din na ‘away sa pera’ ang dahilan ng naturang “hiwalayan” dahil wala umano itong inilalabas na sariling pera.

Kinumpirma naman ni Pangilinan na nasa HK si Sharon kahapon, ngunit nagsa-shopping lamang umano ito.

Ayon pa sa kumakalat na text message, hindi umano tumatanggap ng kahit anong tawag sa telepono si Sharon, lalo na sa mga kamag-anak na pilit silang pinag-aayos.

Isang source naman ang nagsabi na pinasunod na rin ni Sharon ang kaibigan nitong hair stylist na si Fanny Serrano. (Malou Escudero)

AYON

BAGAMAN

FANNY SERRANO

HONG KONG

KIKO

MALOU ESCUDERO

MANILA HOTEL

MEGA STAR SHARON CUNETA

PANGILINAN

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with