Pinalaya ng pamaha laan noon pang nakaraang linggo ang isang kontrobersyal na sentensyadong murderer na si Claudio Teehankee Jr..
Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez na nagsabing naunang inaprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang rekomendasyon ng Board of Pardon and Parole para mapalaya ang kontrobersyal na preso.
Sinabi ni Gonzalez na hindi na kailangan iyong ipaalam sa media bagaman ginawa ang proseso ayon sa batas.
Nakulong si Teehankee dahil sa pagpatay kina Maureen Hultman at Roland Chapman noong taong 1991. Ang kaso ay kabilang sa mga karumal-dumal na krimen nang panahong iyon na nagbunsod sa pagpapabalik ng paru sang bitay. Isa rin sa mga kasong ito ang Vizconde massacre o pagpaslang sa isang mag-iina sa Parañaque. (Ludy Bermudo)