^

Bansa

Teehankee pinalaya

-

Pinalaya ng pamaha­ laan noon pang naka­raang linggo ang isang kontrobersyal na senten­syadong murderer na si Claudio Teehankee Jr..

Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez na nagsabing naunang ina­prubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang rekomendasyon ng Board of Pardon and Parole para mapalaya ang kontrobersyal na preso.

Sinabi ni Gonzalez na hindi na kailangan iyong ipa­alam sa media baga­man ginawa ang proseso ayon sa batas.

Nakulong si Teehan­kee dahil sa pagpatay kina Maureen Hultman at Ro­land Chapman noong taong 1991. Ang kaso ay kabilang sa mga karumal-dumal na krimen nang pa­nahong iyon na nagbun­sod sa pagpapabalik ng paru­ sang bitay. Isa rin sa mga kasong ito ang Viz­conde massacre o pag­pas­lang sa isang mag-iina sa Paraña­que. (Ludy Bermudo)

BOARD OF PARDON AND PAROLE

CLAUDIO TEEHANKEE JR.

GONZALEZ

ISA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

LUDY BERMUDO

MAUREEN HULTMAN

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with