Pagbitag sa 10 most wanted pinatutukan ni Verzosa

Pinatutukan ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa sa Criminal Investigation and Detection Group ang pag­dakip sa 10 most wanted na mga kriminal sa bansa upang higit pang mapa­lakas ang kampanya la­ban sa kriminalidad.

Ang direktiba ay ipi­nalabas ni Verzosa ma­tapos pasinayahan ka­ ha­pon ang bagong Police Mobile Investigation van sa Camp Cra­me na siyang gagamitin ng mga imbesti­gador sa pagre­solba sa mga malalaki at karumal­dumal na kaso.

Kabilang sa mga wanted sina Jose Pan­lilio may kasong robbery -homicide, may patong sa ulo na P5 milyon; Harod Fa­ jardo, kidnap for ransom, P1 milyon; Ustadz Ha­ber Malik, attempted murder, P1 milyon; Eduardo Iran, kidnapping with murder, P1 milyon; Sheik Reu­ben Omar Lavilla, multiple murder , P1 milyon at iba pa. (Joy Cantos)

Show comments