^

Bansa

Traders sinubpoena

-

Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry ang mga negosyante ng harina at semento kung bakit tumaas ang presyo ng kanilang mga kalakal.

Sinabi ni DTI Secretary Peter Favila sa isang panayam kahapon na inisyuhan nila ng subpoena ang naturang mga negosyante para magpaliwanag.

Binigyan ng hanggang October 10 na palugit ang mga negosyante na kinabibilangan ng mga flour at cement suppliers at producers para bigyang-katwiran ang pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.

Pinuna ni Favila na ang biglaang pagtaas sa presyo ng harina ay nag-resulta sa pagtaas ng presyo ng tinapay.

Kahalintulad din nito ang nangyaring pagtaas sa presyo ng semento.

Sinabi pa ni Favila na kapag mapatunayang may pananamantala sa panig ng mga negos­yante ay may kaakibat itong parusa. (Rose Tamayo-Tesoro)

BINIGYAN

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FAVILA

KAHALINTULAD

PINAGPAPALIWANAG

PINUNA

ROSE TAMAYO-TESORO

SECRETARY PETER FAVILA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with