^

Bansa

Customs execs igigisa sa gatas na may lason

-

Iimbestigahan ng Se­nado ang mga opisyal ng Bureau of Customs na responsable sa pagka­kapuslit sa bansa ng mga gatas mula sa China na kontaminado ng nakaka­lasong melamine.

Sa Senate Resolution 694 na inihain ni Sen. Mi­riam Defensor-Santiago, sinabi niya na mismong ang Department of Health ang nagsabing posibleng ipinuslit lamang sa bansa ang mga Chinese products na Greenfood Yili Fresh Milk at Mengniu Original Drink Milk na natuklasang may mela­mine dahil wala silang English labels.

Base rin sa Bureau of Foods and Drugs, wala silang record ng infant formula na nagmumula sa China.

Ang Senate Blue Ribbon Committee ang naka­takdang magsiyasat kung sino ang mga respon­sable sa pagkakapuslit sa bansa ng mga gatas na may melamine.

Samantala, kasunod ng ginawa sa mga gatas, susuriin na rin ng BFAD ang mga beauty products na galing China para ma­tukoy kung kontami­nado rin ang mga ito ng nakaka­lasong “mela­mine”.

Sinabi ni BFAD Director Leticia Guttierez na nagpapatuloy ang kani­lang market monitoring at sampling sa mga cosmetics kasunod ng panawa­gan kamakailan ng mga kongresistang sina Luis Villafuerte, Ferdinand Martin Romualdez at Aurelio Gonzales na alamin ang peligro sa ka­lusugan ng mga produk­tong pam­ pa­ganda mula sa China na maaaring magresulta ng komplikas­yon at cancer. (Malou Escudero at Rose Tamayo-Tesoro)

ANG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

AURELIO GONZALES

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR LETICIA GUTTIEREZ

DRINK MILK

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

GREENFOOD YILI FRESH MILK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with