Pag-aresto sa dayuhang 'prosti' problema ng PNP
Tulad ng iba pang kriminal, trabaho ng Philippine National Police (PNP) at hindi ng Bureau of Immigration na arestuhin ang mga dayuhang prostitutes na posibleng nag-o-operate sa bansa.
At kung may maaresto man ang mga pulis, dito lang papasok ang BI sa pamamagitan ng pagsasagawa ng deportation proceedings laban sa mga di kanais-nais na dayuhan na gumagawa ng ilegal sa bansa, paliwanag ni BI Commissioner Marcelino Libanan.
Ginawa ni Libanan ang paglilinaw na ito upang ibasura ang pahayag ng ilang sektor na BI ang pangunahing ahensiya na dapat tumugis sa mga foreign prostitutes na umano’y nasa bansa.
Ngunit sinabi ni Liba nan na pangunahing trabaho ng BI ay bantayan ang mga paliparan at pantalan ng bansa laban sa pagpasok ng undesirable aliens.
“Our mandate is clear. Our resposibility is to thwart any attempt of undesirable aliens and terrorists to enter the country,” paliwanag ni Libanan.
Sa kabila nito, tiniyak ni Libanan na walang dayuhang prostitute ang makakapasok sa bansa.
Una, sinabi ni Libanan na nakikipag-ugnayan sila sa mga bansa na posibleng panggalingan ng mga dayuhang prostitutes, na batay sa intelligence report, ay mula sa Mainland China at Russia. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending