^

Bansa

'Psycho test' sa OFWs walang bayad - POEA

-

Tiniyak ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)  na wa­lang karagdagang ba­bayaran ang mga OFWs sa sandaling maisakatuparan ang panukalang “mandatory psychiatric exams” sa mga ito bago umalis ng bansa.

Ayon kay POEA Administrator Jennifer Manalili, mayroon silang direktiba para sa hindi paniningil ng fees sa mandatory tests kung ito ay maipapatupad.

Sinabi rin ni Manalili na sa halip na bumuo ng bago at hiwalay na test, ia-update na lamang ng POEA ang kanilang kasa­lukuyang “psychological test component”.

Hinihingi na rin aniya nila ang tulong ng National Center for Mental Health at ng Bureau of Health Facilities and Services ng Department of Health (DOH) para rito.

Ayon kay Manalili, aala­min muna ng POEA ang kahandaan ng isang tao na idedeploy sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag­sukat ng kasalukuyang “state of mind” nito.

Kung mayroon aniyang alinlangan o may makitang problema doon na kakaila­nganin isalang sa 2nd level ng test.

Una nang ipinanukala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory psychiatric o psychological tests, sa mga OFWs.

Para malaman kung maayos ba ang “coping mechanism” ng isang pa­paalis na manggagawa. (Doris Franche)

ADMINISTRATOR JENNIFER MANALILI

AYON

BUREAU OF HEALTH FACILITIES AND SERVICES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

MANALILI

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with