^

Bansa

Thermometer bawal sa mga ospital

-

Hiniling ng isang gru­ po sa Department of Health (DOH) ang aga­rang pag-phase out ng mga mercury medical devices tulad ng thermometer sa mga government hospitals at health centers dahil mayroon umano itong epekto sa katawan ng isang pas­yente..  

Ayon sa Health Watch Coalition, anim pang pam­publikong ospital sa bansa ang gumagamit ng “old-fashioned thermometer” at sphygmomanometer, na ginagamit naman sa pag­kuha ng blood pressure. Ilang dental center din sa bansa ang gumagamit ng mercury amalgam. 

Dahil dito, inaasahan ng grupo na papalitan ng lahat ng DOH ang lahat ng mga mercury devices sa lahat ng mga government hospital at health centers ng mga digital.

Una nang nagpalabas ang DOH ng administrative order (AO) No. 2008-0021 na unti-unting tang­galin at alisin sa mga health care facilities sa bansa ang mercury medical devices.

Iginit ng DOH na ang mercury ay “highly toxic” lalo na kung  maihahalo sa methyl mercury. Ma­aari itong makamatay kung masisinghot at de­likado sa balat ng tao. May masama itong epek­to sa nervous, digestive, respiratory, immune systems at kidney at posi­bleng maging dahilan ng lung damage.

Ang sinumang expose sa mercury ay posibleng magdulot ng  pagka­bulag, pagkabingi, pag­kakaroon ng paralysis, insomnia, emotional instability, developmental deficits sa pag­tanda. (Doris Franche)

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH WATCH COALITION

HINILING

IGINIT

ILANG

MERCURY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with