^

Bansa

33 pang endosulfan naiahon

-

Itinuloy pa rin ng mga divers ng Philippine Coast Guard (PCG) at dalawang salvaging firms ang retrieval operation sa nakala­ lasong kemikal na endosulfan sa lumubog na MV Princess of the Stars sa Sibu­yan Island, Romblon.

Sinabi ni Sulpicio Lines Inc. (SLI) vice president for marketing Jordan Go na may panibagong 33 packs ang naiahon kahapon ha­bang noong Martes ay umabot sa 34 packs ng endosulfan ang narekober o kabuuang 67 packs habang ang natitirang kemikal ay pipilitin uma­nong maiahon sa loob ng 12-16 araw.

Bunsod nito, muling binuhay kahapon ni Sen Pia Cayetano ang kanyang panawagan na dapat ibalik sa bansang Israel ang endosulfan.

Ayon kay Cayetano, responsibilidad ng gob­ yerno at ng Del Monte Philippines Inc. na ibalik sa Israel ang endosulfan upang hindi makaapekto sa kali­kasan ng bansa.

Hindi aniya dapat sa te­ritoryo ng Pilipinas i-dispose ang kemikal dahil posibleng manganib pa ang buhay ng mga mamama­yan.

Hindi rin aniya maaring ipasok sa orihinal na desti­nasyon nito ang mga ke­mikal dahil ipinagbabawal na ito sa Bukidnon dahil sa ipinasang Ordinance No. 2008-022R noong naka­raang Agosto.

Dapat aniyang gaya­ hin ng ibang probinsita ang Bukidnon na nagpasa ng ordinansa na nag­babawal sa endosulfan. (Ludy Bermudo/Malou Escudero)

BUKIDNON

DEL MONTE PHILIPPINES INC

JORDAN GO

LUDY BERMUDO

MALOU ESCUDERO

ORDINANCE NO

PHILIPPINE COAST GUARD

PRINCESS OF THE STARS

SEN PIA CAYETANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with