Paglayas ng Senado sa GSIS bldg. aprub sa 21 senador

Bagaman at hindi pa sinisimulan ang pagta­lakay sa resolusyon na nag­lalayong pag-aralan ang pagkakaroon ng sari­ling building ng Senado upang hindi na sila umupa ng P8.3 milyon isang bu­wan sa Government System Insurance System (GSIS) Building, pinaboran na agad ito ng 21 senador.

Ayon kina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel at Sen. Edgardo Angara, panahon nang mag­karoon ng sariling building ang Senado.

Sa magkahiwalay na panayam, sinabi nina An­gara na naging senate pre­sident noong 1995 at Pi­mentel, naging senate pre­sident noong 2000 na isi­nulong na nila ang nasa­bing panukala noong namu­­muno pa sila sa Senado.

Naniniwala rin si Angara na magiging “una­nimous” ang suporta ng mga senador sa resolus­yon na inihain ni Sen. Mi­riam Defensor-Santiago na naglalayong pag-aralan na ng Senado ang pagka­karoon ng sariling building upang hindi na umupa ng kulang-kulang na P100 milyon isang taon sa GSIS.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na pabor din siya sa paglipat ng Senado dahil wala uma­nong parliament ang umu­upa at hindi dapat maging “tenant” na lamang ha­ bang panahon ang Se­nado.

Bagaman at nanini­wala ang 21 senador na dapat nang magkaroon ng sariling building ang se­ nado, magkakaiba naman ang lugar na nais nilang pagtayuan ng gusali.

Pero halos lahat ng se­nador ay nagsabing dapat magkalapit ang Se­­­­nado at House of Representatives upang mas mapadali ang kanilang trabaho at ma­ging maayos ang relas­­yon ng dalawang kapulu­ngan. (Malou Escudero)

Show comments