Paglayas ng Senado sa GSIS bldg. aprub sa 21 senador
Bagaman at hindi pa sinisimulan ang pagtalakay sa resolusyon na naglalayong pag-aralan ang pagkakaroon ng sariling building ng Senado upang hindi na sila umupa ng P8.3 milyon isang buwan sa Government System Insurance System (GSIS) Building, pinaboran na agad ito ng 21 senador.
Ayon kina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel at Sen. Edgardo Angara, panahon nang magkaroon ng sariling building ang Senado.
Sa magkahiwalay na panayam, sinabi nina Angara na naging senate president noong 1995 at Pimentel, naging senate president noong 2000 na isinulong na nila ang nasabing panukala noong namumuno pa sila sa Senado.
Naniniwala rin si Angara na magiging “unanimous” ang suporta ng mga senador sa resolusyon na inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na naglalayong pag-aralan na ng Senado ang pagkakaroon ng sariling building upang hindi na umupa ng kulang-kulang na P100 milyon isang taon sa GSIS.
Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na pabor din siya sa paglipat ng Senado dahil wala umanong parliament ang umuupa at hindi dapat maging “tenant” na lamang ha bang panahon ang Senado.
Bagaman at naniniwala ang 21 senador na dapat nang magkaroon ng sariling building ang se nado, magkakaiba naman ang lugar na nais nilang pagtayuan ng gusali.
Pero halos lahat ng senador ay nagsabing dapat magkalapit ang Senado at House of Representatives upang mas mapadali ang kanilang trabaho at maging maayos ang relasyon ng dalawang kapulungan. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending