3 MILF Commander wala ng tiwala sa mga misis

Patuloy na lumiliit ang mundo ng tatlong wanted na Commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahilan ultimong ang kanilang mga misis ay hindi na rin umano nila pinagkakatiwalaan dahil sa P25 milyong reward na ipinalabas ng pamaha­laan laban sa mga ito.

Batay sa nakalap ni­lang impormasyon, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano  na nag­ba­was na ng kanilang close-in body security sina Ameril Umbra Kato, Abdulrahman Macapaar alyas Bravo na pawang may tig-P10M reward bawat isa at Aleem Su­layman Pangalian, may P5M reward sa hinalang maaari silang ipagkanulo dahil sa laki ng pabuya.

Maging ang kanilang mga sub-commanders ay sinasabing pinalitan na rin nila ng mga malalapit na ka­mag-anak na mas pi­nagka­katiwalaan ng mga ito.

“I don’t think they will trust anybody, they must have distrusted even their wives,” giit pa ng Chief of Staff.

Gayunman, inamin ni Yano na nahihirapan ang tropa ng AFP na pasukin ang pinagkukutaan ng tatlong kumander.

Ayon kay  Yano, ba­ga­mat tukoy nila ang gene­ral area  na kinaroro­o­nan ng tat­long Commander  hindi nila ito basta malu­lusob dahil mabato, ma­puno, ma­tubig  at bulu­bundukin ang lugar.

Sinabi ng heneral na kailangang maging ma­ingat ang bawat hak­bang  ng mga sundalo kaugnay ng opensiba laban sa grupo nina Bravo, Kato at Panga­lian  dahil mas ka­bisado ng mga rebelde ang bawat sulok  ng ka­nilang pinagta­taguan.

Pero tiniyak ng hene­ral na nasa lugar lamang na binabantayan ng mili­tar ang mga wanted na MILF Commander.

Show comments