Umapila kahapon si House Speaker Prospero Nograles Jr. sa mga kapwa niya mambabatas na maghinay-hinay sa kanilang panukalang buwagin ang Road Board bunsod na rin ng alegasyon ng korapsyon.
Ang panawagan ay ginawa ni Nograles matapos na isulong ng mga miyembro ng House Committee on Transportation ang panukala makaraang matuklasan na pinagkaitan ng Road Board ng libreng emission tests ang milyun-milyong motorista sa bansa at gumastos ito ng P10 bilyon sa loob lamang ng tatlong buwan bago ang nakalipas na senatorial elections.
Gayunman, idiniin ni Nograles na sa kabila ng mga pagdududa sa Road Board ay ikinukonsidera pa rin itong isa sa pinakamalaking “revenue generating agency” ng pamahalaan,
Ang Road Board ay nakakakolekta ng halos P20 bilyong revenue para sa kaban ng bansa taun-taon. (Butch Quejada)