^

Bansa

Ban sa Chinese milk product inutos

-

Ipinagbawal kaha­pon ng Bureau of Food and Drugs ang pama­mahagi at pagbebenta ng mga produktong ga­tas mula sa mga kum­panyang Meng­niu Dairy Co at Inner Mo­ngolia Yili Industrial Group ng China dahil sa hina­lang konta­mi­nado ito ng na­kakala­song kemikal na mela­mine.

Ito ang nabatid sa isang ulat kahapon ng ABS-CBN bagaman, sa isang pahayag, si­nabi ni BFAD Director Leticia Gutierrez na kanila pang sinusuri ang mga pro­duk­to ng Yili at Mengniu na ibi­­nebenta rito sa bansa.

Ilang araw nang na­papabalita ang pagka­kalason ng maraming sanggol sa China dahil sa pag-inom ng gatas na may halong mela­mine.

Ayon sa Bureau of Customs, may 2.14 mil­yong kilo ng gatas ang inimport ng Pili­pinas mula sa China sa unang wa­long buwan ng taong ito.

Sinabi pa ng BFAD na wala pang patunay na nakapasok dito sa bansa ang produkto ng Sanlu group, isa sa mga kum­panya sa China na guma­wa ng nakakala­song ga­tas.

Marami na ring supermarket ang nagpas­yang tanggalin sa kani­lang mga paninda ang lahat ng ga­tas na gawa sa China bago pa man masimulan ang imbesti­gasyon ng Department of Health.

Sinabi ng mga opis­yal ng Philippine Supermarket Association na nais lang nilang tiyakin na wa­lang madidis­gras­ya saka­ling makum­pirma ng DOH na kon­taminado ang mga ga­tas.

Ang melamine ay isang kemikal na ma­taas sa nitrogen content at gi­nagawa itong sang­kap sa paggawa ng mga plastic materials. Kapag naihalo umano ito sa gatas o anu­mang uri ng inumin ay makakasanhi ito ng bato sa kidney o kidney failure partikular na sa mga sanggol.

Kasabay nito, inata­san ni Manila Mayor Al­fredo Lim si City Health Officer Dra. Ma. Lorraine Sanchez na makipagtulu­ngan sa pagkilos ng gob­yerno laban sa gatas na may halong melamine.

Kabilang sa direktiba ang pagkuha ng milk sam­ples para ipasuri sa BFAD at ibalik na lamang ito sa mga tindahan sa oras na maipasuri kung li­li­taw na negatibo sa melamine.

Kabilang sa tinututu­kan ng Manila City Hall ang mga tindahan ng imported products sa Sta. Elena, Sto. Cristo at iba pang tindahan sa Binon­do at Quinta market. (Rose Tamayo-Tesoro, Gemma Garcia, at Ludy Bermudo)

BUREAU OF CUSTOMS

DAIRY CO

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR LETICIA GUTIERREZ

GEMMA GARCIA

INNER MO

KABILANG

LORRAINE SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with