5 Pinoy execs ng Lehman Bros. pinadadampot

Pinadadampot ng Mandaluyong City Regional Regional Trial Court ang limang Pinoy na konektado sa na­bang­karoteng US-based investment bank Leh­man Brothers dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Dummy Law.

Naglabas din si Man­daluyong City RTC Branch 214 Judge Edwin Sorongon ng hold-departure orders laban kina Norman Ma­casaet, Carlos Mañalac, Michael Rabonza, Edil­berto Castañeda, Ana Marie Katigbak dahil sa kabiguan nilang mag­ pasaklaw sa huris­dik­siyon ng hukuman.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinampa ng negosyanteng si Victor “Vicvic” Villavicencio laban sa Lehman Bro­thers­ at sa kaalyado nitong kompanya sa Pilipinas na Philippine Investment One at Phi­lippine Investment Two dahil sa umano’y pagla­bag sa anti-dummy laws at pagbabawal ng Kons­titusyon sa mga dayu­han na magmay-ari ng lupa sa bansa.

Sinubukan pang ha­ra­ngin ng mga akusado ang arrest warrant ngu­ nit sinabi ni Judge So­ro­­ngon na matibay ang ebidensiyang iprinisita ni Villavicencio upang sila ay maaresto.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Villavicencio na pumasok siya sa isang res­tructuring deal sa Equi­table-PCI upang ma­tubos niya ang isi­nan­lang ari-arian sa loob ng sampung taon.

Ngunit ibinenta ng Equitable-PCI ang ari-arian sa Philippine Investment Two Inc., na pagmamay-ari ng Philippine Investment One Inc. Natuk­lasan naman ni Villa­vicencio na ang Leh­man Brothers ay majo­rity share­holder sa Philippine Investment One Inc.

Gusto sanang bilhin ni Villavicencio ang ari-arian sa Lehman Brothers-owned firm ng P60 million hanggang P65 million, ang halaga ng pagkakabili nito sa Equi­table-PCI Bank ngunit pi­nagpasa-pasahan lang umano siya ng mga akusado.

Napag-alaman din ni Villavicencio na may 1.24 million shares ang Lehman Brothers sa dalawang kompanya, bagay na hindi pinapa­yagan ng Anti-Dummy Law. (Butch Quejada)

Show comments