^

Bansa

Smith wala sa US Embassy, nasa QC?

-

Itinatago lamang uma­no sa isang lugar sa Que­zon City ang convicted rapist na si Lance Corporal Daniel Smith.

Ito ang ibinunyag ka­ha­pon ni Atty. Harry Ro­que, abogado ni dating Senador Jovito Salonga na siyang petitioner sa kaso sa ginanap na oral argument sa Korte Su­prema kaugnay sa usapin sa kustodiya ni Smith matapos itong mahatulan ng kasong panggaga­hasa ng Makati Regional Trial Court (RTC) noong 2005.

Ayon kay Roque, wala na umano sa US Embassy sa Maynila si Smith kundi nasa isang lugar sa Quezon City kung saan ito itinatago.

Giit ni Roque at ni Atty. Pacifico Agabin, na may diskriminasyon at may paglabag sa ginawang paglilipat kay Smith dahil ang mga Pinoy na bi­langgo ay nagsisiksikan sa maliit na kulungan subalit ang kulungan ng dayuhan ay isang kom­portable at magandang lugar kung saan may­roong aircondition at in­ternet connection.

Nagtitiis umano ang mga Pinoy sa maliit na selda habang ang convicted rapist na si Smith ay may special treatment pa.

Samantala, kinuwes­tiyon naman ni Supreme Court (SC) Associate Justice Presbitero Velasco ang paghahain ng mga complainants ng petition sa Korte Suprema kung sino ang may karapatan sa kostodiya ni Smith.

Sinabi ni Velasco na ang nasabing usapin sa national sovereignty ay una nang nadesisyunan ng Korte Suprema noon sa kaso ng Bayan vs. Zamora.

Mistula umanong na-bypass ng mga petitioner ang Court of Appeals (CA) na siyang mayroong hurisdiksyon na desisyu­nan ang kaso sa halip na dumiretso sa SC.

Nilinaw ng mga Ma­his­trado na kung magpa­palabas sila ng desisyon ay baka maapektuhan ang nauna na nilang de­sisyon sa kaso ng Bayan vs. Zamora kung saan idinek­lara nilang konsti­tus­yunal ang Visiting Forces Agreement. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERO VELASCO

BAYAN

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

HARRY RO

KORTE SU

KORTE SUPREMA

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with