Mga manghuhula sa Quiapo pinaaalis na

Pinalilinis na ni Mayor Alfredo S. Lim mula sa mga fortune tellers o manghu­ hula ang paligid ng simba­han ng Quiapo matapos na makatang­gap ng reklamo kay Quia­po Church Parish Priest Msgr. Clem Ignacio dahil nakasasagabal uma­no ang mga ito sa pasukan at labasan ng simbahan at mapanlilnlang na ha­nap­buhay ng mga mang­hu­hula.

Gayunman, pinayu­han niya ang may 70 fortune tellers na makipag-usap sa may-ari ng isang ba­ kan­teng lote na malapit lamang sa simbahan ng Quiapo at magtulong-tu­long sa pag­babayad ng upa dito.

Bukod dito, nais din ng alkalde na malinis ang paligid ng Quiapo Church sa mga nagtitinda ng herbal medicines at iba pang ga­ mot na ginagamit na pam­palaglag.

Ang utos ng alkalde ay ginawa sa Peoples Day sa Bulwagang Villegas kahit na dalawang fortune tellers ang nagsabi na hindi sila nanloloko ng tao, bagkus ay nagpa­payo pa sila sa mag-asawa na nagtataksil sa isa’t isa. (Doris Franche)

Show comments