Pinagsarhan umano ng gate kahapon ni Government Service Insurance System President at General Manager Winston Garcia ang mahigit sa 200 guro na nagnanais na maghain ng reklamo sa board of trustees.
Kasama ni Atty. Albert Velasco ng Government Employees Legal Action Center (GELAC) na tumatayong abogado ng mga guro ang hindi pinapasok sa gusali ng GSIS at sa halip ay ipinag-utos pa umano sa mga gwardiya na isarado ang gate ng gusali.
Dahil sa hindi pagpapasok sa gusali ng GSIS sa mga guro kaya dumiretso ang mga ito kay Senador Allan Peter Cayetano upang maghain ng resolution no. 03 s.2008.
Layunin umano ng nasabing resolution na maimbestigahan ang umano’y katiwalian sa multi-bilyon pondo ng mga kawani ng gobyerno .
Nangako naman si Cayetano na bibigyan ng prioridad na agad na makuha ang lahat ng mga miyembro ang nararapat nilang benepisyo. (Butch Quejada)