^

Bansa

Dawit sa ZTE-NBN deal kasuhan na! - Joey

-

Kasunod ng ika-isang taong anibersaryo ng kanyang pagtestigo sa Senado kahapon, iginiit ni Jose ‘Joey’ de Venecia III na sapat na umano ang mga testi­ monya at mga ebidensya na hawak ng Senado upang madiin sa hukuman ang mga taong sangkot sa kon­trobersyal na ZTE-NBN deal.

Ayon kay de Venecia, da­pat nang ilabas ng Sena­do sa lalong madaling pa­na­hon ang kanilang “committee report” sa isinaga­wang imbestigasyon sa naturang ma­anomalyang kontrata. Sinabi nito, hindi dapat basta na lamang kalimutan ng lahat ang naturang kon­trobersya, na siya aniyang pinakamalaking anomalya na kinasangkutan ng ka­salukuyang administras­yon.

Ayon pa kay de Vene­cia, dapat matukoy ang mga taong sangkot sa na­turang anomalya at ma­iha­rap ang mga ito sa huku­man.Binigyang-diin ni de Venecia na paninindigan niya ang kanyang mga ibinunyag sa Senado at ipagpapatuloy niya ang kanyang krusada sa pag­hanap ng katotohanan, na tungkulin aniya niya sa bawat isang mamamayang Filipino.

Mariin din namang pi­nabulaanan ni de Venecia ang mga ulat na may plano siyang tumakbo sa darating na 2010 national at local elections at sinabing mas karapat-dapat na ang kan­yang inang si Manay Gina de Venecia ang pumalit sa kanyang ama sa puwesto, ngayong ma­tata­pos na ang termino nito bilang kongre­sista ng Pa­nga­sinan. (Butch Quejada)

AYON

BINIGYANG

BUTCH QUEJADA

MANAY GINA

MARIIN

SENADO

SHY

SINABI

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with