Kumander inutas ng batang NPA

Mailap na hustisya para sa kanyang mina­saker na pamilya ang nag­­tulak sa isang menor de edad na recruit upang paslangin ang isang Com­mander ng New People’s Army (NPA) at aide de camp nito sa Com­postela Valley ka­ma­kalawa.

Kinilala lamang ang napaslang na sina “Ka Isko”, Commander ng Guerilla Front 27 ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA at ang right-hand man nitong si alyas Ka Joel.

Boluntaryo namang sumuko sa mga awtori­dad ang suspek na itina­tago sa pangalang Jojo, 17 anyos na uma­min sa krimen.

Sa salaysay ni Jojo, su­ mapi siya sa NPA Move­­ment noong Hun­yo 3, 2008 matapos na i-recruit ng grupo ni Ka Isko.

Gayunman, taliwas sa inaasahan ay hindi tuma­lab ang doktrina ng communist rebels kay Jojo da­hilan buhay na buhay sa isip nito na ang grupo ng kanyang sina­mahang mga rebelde ang brutal na pumaslang sa kaniyang pamilya may ilang taon na ang nakakaraan.

Ayon pa kay Jojo, ang tanging misyon niya sa pagsapi sa NPA ay ang ipaghiganti ang kan­yang pamilya. Hindi uma­no siya nag-aksaya ng pagkaka­taon nang matiyempu­hang natu­tulog si Commander Isko at kanang-kamay nito nang kanyang pag­babarilin sa kanilang kuta sa bayan ng Mara­gusan ng lalawigan.

Nagkataon namang nagtungo sa ilog para maligo ang iba pang mga tauhan ni Ka Isko ng mangyari ang krimen.

Nang matiyak na pa­tay na ang dalawa, tuma­kas ang suspek at nagde­sisyong sumuko sa mga awtoridad.

Show comments