^

Bansa

Pinoy dentists in demand sa Saudi

-

Dahil sa pagkabilib ng mga dayuhan sa galing at magandang kalidad ng mga Pinoy skilled workers, nakatakdang tumulak sa Pilipinas ang isangoperator ng malaking dental clinic sa Kingdom of Saudi Arabia upang kumuhang mga den­ tista para magtrabaho doon. 

Kinumpirma ni Dr. Robert Parks, director ng General Arabian Medical and Allied Services, Ltd. ang pagdating nito sa bansa sa Setyembre 18 upang personal na mangasiwa sa pagpili ng mga dentistang aplikante na nagnanais na magtrabaho sa pinapatak­bo nitong GAMA Dental Clinic sa Riyadh. Ang GDC, kauna-unahan at pinaka­ma­laking American-operated private dental clinic sa Saudi ay nagbukas noong Nobyembre 1985.

Sinabi ni Paulo Quiza, general manager ng JVR Placement Co., Inc., pa­nga­­ngasiwaan ng kanilang kumpanya ang pagpopro­seso ng mga aplikante ng GDC. Ang JVR Placement Co. Inc.ay may 9 taong nang nagpapadala ng mga skilled Filipino workers sa Middle East, Europe, Russia at Asia.

Ilan sa mga benepis­yong makukuha ng kuwali­pikadong aplikante ay ang 2-taong renewal ng kon­trata, taunang bakasyon, round trip ticket, accomo­dations, medical benefits at Iqama/visa.

Maaaring tawagan ang JVR sa 794-2231 o 0929-8305252 o mag-email sa [email protected].

vuukle comment

DAHIL

DENTAL CLINIC

DR. ROBERT PARKS

GENERAL ARABIAN MEDICAL AND ALLIED SERVICES

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

MIDDLE EAST

PAULO QUIZA

PLACEMENT CO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with