Tax exemptions ilalaban na sa Jan '08 maumpisahan

Nagsimula na sanang lasapin ng mga minimum wage earners sa bansa ang pinakahihintay na tax exemptions noon pang Enero ng taong kasalu­kuyan kung hindi sa pag­pipilit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ma-delay ang im­ple­mentasyon nito.

Sa isang forum, nag­pa­ ha­yag ng labis na ka­lungkutan si Escudero na ginagawa umano ng BIR ang lahat ng sakop ng kapang­yarihan nito upang ibinbin ang pag­papatupad ng tax exemption bill na naglala­yong pakinabangan ng mga ordinaryong masa at mid­dle income families.

Sa ilalim ng bill na iniak­da ni Escudero, ang minimum wage earners ay di kasama sa pagba­bayad ng buwis sa pa­mamagitan ng nakalu­lulang withholding tax­es.Sakaling kumita ng ‘extra’ ang isang taxpayer dahil sa pagsa-sideline, ang maari lamang bu­wisan ay ang kinitang `extra’.

Ani Escudero, ang gus­to ng BIR ay isama pa din ang minimum wage sa ‘extra income’ pagdating sa pagbubuwis at ito aniya ay taliwas sa la­yunin ng kan­yang isi­nulong na tax exemption bill.

Ibinunyag pa ni Escu­dero na ipinipilit umano ng BIR na dapat ay sa buwan lamang ng Hulyo umpisa­han ang pagbi­bigay ng tax exemptions dahil sa nasa­bing buwan naipasa ng Senado ang nasabing tax exemption law.  

Binigyang-diin naman ni Escudero na batay sa pag­sasaliksik ng kanyang tanggapan, maliwanag sa naunang desisyon ng Korte Suprema na ang mga tax exemption bills gaya ng kanyang iniakda ay dapat na maging ‘retroactive’ ang implemen­tasyon..

“Sa kasong ito, dapat na ang tax exemptions ay mag-umpisa ng Enero 2008,” ani Escudero.

Kaugnay nito ay nana­wagan si Escudero sa BIR na i-apply man lang ang tax exemptions para sa mga natitira pang buwan ng taong kasa­lukuyan upang pakina­bangan na ng ordi­nar­yong mamama­yan.

Nakalulungkot umano na habang kinukuwesti­yon pa ng BIR ang petsa ng im­ple­mentasyon ng tax exem­p­tions ay mga minimum wage earners ang nagdu­rusa dahil hindi nila napa­pa­kinabangan ang narara­pat para sa kanila. (Butch Quejada)

Show comments