^

Bansa

Sapat na pondo para isaayos ang voters list hingi

-

Nanawagan si Senator Richard Gordon kay Pa­ ngulong Arroyo, kanyang mga kasamahan sa Se­nado at sa Mababang Ka­pulungan at maging sa Commission on Elections na magkaroon ng sapat na political will sa pamama­gitan ng pagbibigay ng sapat na pondo para sa pagsasaayos ng voters list at pag-apruba ng full automation of elections sa 2010. “We owe it to the Filipino people. It is about time that we move away from the archaic method of manual voting and canvassing which had been subject to fraud and manipulation,” ani Gordon.

Sa hearing ng Joint Oversight Committee on Automated Elections na ginanap nitong nakaraang linggo, hinikayat ni Gordon ang Comelec na magsu­mite na ng proposal para sa supplemental budget para sa susunod na dalawang taon nang masimulan na ang kinakailangang pag­hahanda para sa 2010 automation.

Inamin ni Comelec Chairman Jose Melo na ang kanilang unang naisu­miteng budgetary allocation sa 2009 sa Malacañang ay maaaring hindi sasapat para ma-implement ang full automation lalo na kapag idineploy na nila ang mga automated voting machines sa precinct levels sa kalakhang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, pina­yuhan ni Gordon ang Pa­ngulo na maaalala ng mga Filipino ang kanyang admi­nistrasyon kung susuporta­han niya ang pagsulong ng 2010 poll automation program. (Malou Escudero)

AUTOMATED ELECTIONS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

GORDON

INAMIN

JOINT OVERSIGHT COMMITTEE

MABABANG KA

MALOU ESCUDERO

SENATOR RICHARD GORDON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with