Hidden camera sa mga VIP room

Patuloy na namama­ yag­­­pag ang operasyon ng flesh trade sa dalawang KTV bar sa Baclaran, Para­ñaque City kung saan may mga hidden camera pang iki­nabit sa bawat VIP room para mamonitor ang sex trip.

Ito ang nakalap na impormasyon mula sa mga dating namama­sukan sa Asean Enter­tain­ment KTV at Day­nasty Real KTV bar may ilang metro la­mang ang layo sa Re­demptorist Church sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Isiniwalat pa ng source na may mga hidden camera ang bawat VIP room ng dalawang na­banggit na KTV kung saan maak­tuhan ang pakiki­pagtalik ng mga bold star dancer at GRO sa kani-kanilang kliyente.

 “Nakalagay ‘yung hidden camera sa opi­sina ng club, kaya kahit dim light ay kitang-kita ang nagtatalik sa VIP room,” pahayag ng source sa PSNGAYON.

Tumatayo ring bugaw ng flesh trade ang mga manager na may komis­yong P500 kada sex trip sa VIP room habang P1,000 naman kapag na-kayro (bar­fine) ang ba­bae na karamihan ay menor-de-edad na nag­mula sa Samar, Leyte, Quezon, Laguna, at sa Pampanga.

Kinumpirma din ng source na kalimitang tam­bayan ang dalawang na­banggit na KTV ng ilang pangkat ng NBI partikular na ang mga tiwaling ta­uhan ng Anti-Human Trafficking Division, mga tiwa­ling opisyal ng PNP mula sa SPDO at Camp Crame. (Mhar Basco)

Show comments