Demolition job vs Villar umpisa na - Solons
Dahil sa maagang deklarasyon ni Senate President Manny Villar na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2010 national elections, marami sa mga kongresista ang naniniwala na umpisa pa la mang ang ginagawang pagbanat sa katauhan ng una kaugnay sa kontrobersyal na isyu tungkol sa pagdo-doble ng pondo para sa C-5 road extension project.
Ayon kay CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva, may mga demolition jobs pa umano na darating kay Villar kaya dapat na siyang maghanda ng mga credible na sagot para maprotektahan ang kanyang reputasyon.
Gayunman, sinabi ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, spokesman ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni Villar na gusto lamang ibagsak at siraan ang huli kaya may mga kampo na gumagalaw na ngayon para intrigahin at gawan ng mga masa samang kuwento ang Senate president.
Sabi ni Remulla na ang mga pumirma sa resolusyon para kalkalin at imbestigahan ang nasabing proyekto ay ang mga senador na hindi bumoto kay Villar sa Senate presidency at napag-alaman tatakbo rin para sa panguluhan sa 2010.
Ayon kay Romblon Rep. Jess Madrona, hindi na siya magtataka kung bakit sinisira na ngayon si Villar sa mamamayan dahil sa pagtaas at pangu nguna nito sa mga survey rating.
Samantala, may ilang kongresista ang nagsabing dapat imbestigahan ang kontrobersyal na proyekto para malinawan ng publiko ang tunay na pangyayari.
Samantala, hinimok ni House Speaker Prospero Nograles ang kanyang mga kapartido sa Lakas-Christian-Muslim Democrats na umpisahan na ang lokal na konsultasyon para pumili ng itatapat nila sa nalalapit na eleksyon sa 2010 at magpahandaan ang dapat nilang gawin.
Gayunman, tinanggihan ni Vice President Noli de Castro ang alok na maging standard bearer sa 2010 national elec tion. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending