Sa gitna nang kontrobersiyal na pagkakadoble ng budget para sa extension ng C-5 road, nasilip kahapon ni Sen. Joker Arroyo na kasama sa mga nagsusulong ng imbestigasyon sa isyu ang mga senador na pumirma sa sinasabing P200M “budget insertion”.
Ayon kay Arroyo, “unanimous” ang naging pag-abruba ng Senado sa 2008 national budget at kasamang bumoto sa pag-apruba nito sina Lacson, Sens. Loren Legarda, Jamby Madrigal, at Mar Roxas.
Ayon kay Arroyo, dahil sa kapabayaan ng Senado, iimbestigahan nila ang kanilang sarili hinggil sa kontrobersya.
“We would be investigating ourselves of approving to what we are complaining about or, to say at least, for our ineptness and indolence for not paying attention or not having a watchful eye” ani Arroyo.
Sinabi naman ni Arroyo na totoo na mayroong dalawang appropriation na P200M sa bawat proyekto, pero lumalabas sa kanyang pagsisiyasat batay sa record ng Senado na hindi idinagdag ng Kongreso ang P200M batay naman sa rekomendasyon ng Malakanyang.
At ng ipinasa ito sa Senado, nagkaisa sila na magdagdag ng panibagong P200M hiwalay sa orihinal na panukala ng Malakanyang sa parehong C-5 President Carlos Garcia project. (Malou Escudero)