^

Bansa

Panibagong rollback sa petrolyo

-

Siniguro kahapon ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng panibagong rollback sa presyo ng petrolyo ma­ tapos ang patuloy na pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay DOE Director Zenaida Monzada, ito ay matapos na pumalo na lang sa halagang $98 kada bariles ang presyo ng Dubai crude kung saan ito ang ginagawang bata­yan sa presyo ng petrolyo sa boung Asya kabilang na ang Pilipinas.

Subalit dagdag ni Mon­zada, posibleng pang­karaniwang rollback lang umano ang asahan ng publiko kahit na malaki ang ibinaba ng presyo nito sa world market.

Paliwanag nito na base sa talaan ng DOE, umaabot pa rin sa $103 kada bariles ang average price ng Dubai crude ngayong linggong ito at ang panibagong pagbaba ng presyo sa world market ay mararamdaman pa sa susunod na buwan.

Sa panig naman ni Oil Price Watch Chairman Raul Concepcion, siniguro nito na magpapatuloy ang pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market hanggang sa mga susu­nod na buwan kaya ina­asa­han na magiging ma­saya ang Pasko ng mga drayber.

Sa ngayon ay puma­palo pa rin ang presyo ng diesel sa P54 hanggang P55 kada litro habang ang diesel naman ay nasa P53 pa rin kada litro dahilan upang humingi ng mas malaking rollback ang mga grupo ng transpor­tasyon. (Edwin Balasa)

ASYA

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

DIRECTOR ZENAIDA MONZADA

DUBAI

EDWIN BALASA

OIL PRICE WATCH CHAIRMAN RAUL CONCEPCION

PALIWANAG

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with